Songs Of My Life (7)

Disyembre 19, 2008

Di naman sa minamadali ko anuman, gusto ko lang imaximize yung oras ko kaya itratry kong makapagpost ng siguro mga 3-4 ngayong araw. So eto na yung pinakahuli sa lahat ng mga paboritong mga kanta. For this one, di ko na ieexplain kung bakit kasi siguro naman kapag napakinggan ninyo itong kanta na ito eh magugustuhan ninyo rin naman. Eto na, enjoy!!!

Ako’y Sa’yo at Ika’y Akin Lamang

Ikaw na ang may sabi
Na ako’y mahal mo rin
At sinabi mo
Na ang pag-ibig mo’y ‘di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo
Puso’y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
‘Di ba nila alam
Tayo’y nagsumpaan
Na ako’y sa’yo
At ika’y akin lamang

At kahit ano’ng mangyari
Pag-ibig ko’y sa ‘yo pa rin
At kahit ano pa
Ang sabihin nila’y ikaw pa rin
Ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na
Umabot pang ako’y nasa langit na
At kung ‘di ka makita
Makikiusap kay Bathala
Na ika’y hanapin
At sabihin
Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo
At ika’y akin lamang
(instrumental) (interlude) (pahinga muna)

uh…..
Umasa kang
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na
Umabot pang ako’y nasa langit na
At kung ‘di ka makita
Makikiusap kay Bathala
Na ika’y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo
At ika’y akin lamang

Advertisements

Songs Of My Life (6)

Disyembre 19, 2008

Hay salamat at matatapos na itong mga pagpopost ko ng mga kanta. Naeexcite na rin kasi akong magpost ng mga tulang ginawa ko. Anyway, itong ika-6 na kanta eh medyo malapit din sa puso ko kasi narereflect dito yung past ko lalung-lalo na sa paggawa ng decision. hahaha. medyo corny kung titignan mo to regret things in the past kasi kung iisipin mo eh di mo na maibabalik at medyo masasaktan ka lang. Ngayon eh sinusubukan ko pang magmove-on kasi kahit three years na eh naaalala ko pa rin yung mga nangyari which I would want to tell you guys soon. ASAP. abangan ninyo na lang.

Maselang Bahaghari (by Eraserheads)

Akala ko ay dagat, yun pala ay alat
Akala ko’y pumasok, sablay
Pikit ko ang aking mata, ikaw ang nakikita
Akala ko’y wala ng saysay…

Maselang bahaghari sa aking isipan
Wag kang mabahala di kita malilimutan
Paglipas ng ulan ay mapapangiti ang araw
‘Wag sanang mawala ang maselang bahaghari

Akala ko ay cool ako, may ulap na sa ulo
Akala ko’y ang pera’y tunay
Pikit mo ang iyong mata, ano ang nakikita
Akala ko’y wala ng saysay…

Maselang bahaghari sa aking isipan
Wag kang mabahala di kita malilimutan
Paglipas ng ulan ay mapapangiti ang araw
Wag sanang mawala ang maselang bahaghari

Songs of My Life (5)

Disyembre 18, 2008

Akala ko eto na yung last na ipopost ko pero marami kasing nagrerequest na sana tagalan ko pa. Pero syempre di naman ito site para sa ganyang mga bagay. Gusto ko lang naman ishare yung mga favorite OPM songs ko. So, sa lahat ng nagrerequest, sorry siguro hanggang 7 lang kasi ipopost ko pa yung mga tulang ginawa ko. Pero I’m sure na kung nagustuhan ninyo yung mga pinagpopost ko these past few days, siguro mas magugustuhan ninyo yung mga tulang gawa ko. Kasi, di katulad ng ibang mga tula, ilalagay ko yung explanations/interpretation ko sa mga tulang yun. Baka ilagay ko rin yung kuwento behind those poems kaya sana patuloy lang kayo sa pagbabasa ng blog ko.

O sya, eto na yung ika-5 sa pinost kong mga kanta. Actually, eto yung pamparelax ko kasi kahit medyo seryoso yung kanta eh nadaan sa style para hindi maging flat in terms of expression.

Huwag Na Lang Kaya (by True Faith)

Nais ko ay magpakilala sa iyo
At ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko
Mauunawaan mo kaya
O baka sampalin mo lang ang aking mukha
Nagdadal’wang isip na
Huwag na lang kaya
Huwag na lang kaya

Nais ko ay ialay sa iyo
Ang puso ko na umiibig sa iyo
Ngunit di mo na yata kailangan ng ganyan
Meron ka na yatang kasintahan
Naninikip ang tiyan
Huwag na lang kaya
Huwag na lang kaya

Ngunit di mo na yata kailangan ng ganyan
Meron ka na yatang kasintahan
Naninikip ang tiyan
Huwag na lang kaya
Huwag na lang kaya
Huwag na lang
Huwag na lang
Huwag na lang kaya
Hoo hoo

Songs of my Life (4)

Disyembre 8, 2008

Salamat sa lahat ng sumubaybay sa mga post ko tungkol sa mga paborito kong kanta. Ito na ang ika-apat at isang kanta bago ang huli sa mga ipopost ko. Tapos yung mga nagrerequest nung mga tulang ginawa ko, hopefully mapopost ko na siya after our perio week. Enjoy!!!

Alipin ( by Shamrock )

Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip

Malabo man ang aking pgiisip
Sana’y pakinggan mo
Ang sigaw nitong damdamin

Chorus:
Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa ‘yong yakap ako’y nasasabik

Ayoko sa iba
Sa yo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang yong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin

Madalas man na parang
Aso at pusa giliw
Sa piling mo ako ay masaya

Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa ‘yong yakap ako’y nasasabik

Pilit mang abutin ang mga tala
Basta sa akin wag kang mawawala…

Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa ‘yong yakap ako’y nasasabik

Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sanang iparating
Na ikaw lamang ang aking iibigin

Songs of My Life (3)

Disyembre 6, 2008

Ito yung pangatlo sa mga ipopost kong mga mga kanta. Para sa’kin itong kantang ito ang pinakamaganda sa lahat ng kantang naipost ko na. Kasi nirereflect talaga nito yung mga nangyari sa buhay ko. Kung makailang beses na sinabing ” Akin ka na Lang “. Naaalala ko kasi may nagugustuhan akong babae noon tapos hirap na hirap talaga akong sabihin sa kanya na crush ko siya. Ewan ko kung bakit. Pero sa tingin ko siguro kasi baka kapag malaman niya eh layuan na niya ko at masakripisyo yung pagkakaibigan namin. Tapos yun nalaman ko na may nanliligaw sa kanya na kilalang-kilala sa school na may pagka-“kilabot” sa mga babae. Kaya nung una kong narinig yung kantang ito eh tinamaan ako agad. Wala na akong balita ngayon sa kanya basta ang alam na minsan sa buhay ko eh nasabi kong, “sana, akin ka na lang…”. Di ko na patatagalin kaya eto na ang kanta : “Akin ka na Lang” by Itchyworms…

“Akin Ka na Lang” (by Itchyworms)

Intro
Verse 1
‘Wag kang maniwala d’yan. ‘Di ka n’ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya
Iiwanan ka lang n’yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n’ya

Chorus
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa ‘yo

Verse 2
‘Di naman ako bolero katulad ng ibang tao
Ang totoo’y pag nandyan ka medyo nabubulol pa nga ako
Malangis lang ang dila n’yan, ‘wag kang madala
Dahan-dahan ka lang, baka pati ika’y mabiktima (’Wag naman sana)

Repeat Chorus

Refrain
‘Di naman sa sinisiraan ko ang pangit na ‘yan
‘Wag ka dapat sa’kin magduda, hinding-hindi kita pababayaan!

Repeat Chorus

Akin ka na lang
Liligaya ka sa pag-ibig ko
Akin ka na lang
At wala nang hihigit pa sa ‘yo
Wala nang hihigit pa sa ‘yo (akin ka na lang)

Songs of My life (2)

Disyembre 3, 2008

Eto yung pangalawa sa mga pinost kong song sa blog na toh. Salamat pala sa lahat ng nagcomment tapos pati na rin yung nangulit sa’kin sa y!m, salamat din. So eto na nga. Nagustuhan ko nga pala itong kanta na ito kasi sa lyrics niya tapos nung nirevive pa siya ng Mayonnaise medyo gumanda yung timpla when it comes to musicality. Enjoy!!!

IPAGPATAWAD MO ( by Mayonnaise )

Ipagpatawad mo, aking kapangahasan
Binibini ko, sana’y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa ‘yo, ayaw nang lumayo
Ipagtawad mo, ako ma’y naguguluhan

Di ka masisi na ako ay pagtakhan
Di na dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa ‘yo, ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo, minahal kita agad

Aah, minahal kita agad
Aah, minahal kita agad
Ipagpatawad mo, oh hoh
Oh hoh woh

(Minahal kita, aah)
(Kay tagal-tagal aah)
Sana nama’y ipagpatawad mo
Ang malabis na kabilisan ko
Ngunit ang lahat ng ito’y totoo

(Ipagpatawad mo)
Aah minahal kita agad
(Ipagpatawad mo)
Aah minahal kita agad
(Ipagpatawad mo)
Aah, woh woh woh woh
(Ipagpatawad mo)
Ipagpatawad mo,
Ipagpatawad mo, hoh
(Minahal kita agad, aah)
(Ipagpatawad mo) Aah
(Ipagpatawad mo) Aah
(Ipagpatawad mo) Aah

Songs of My Life….

Disyembre 2, 2008

Gusto ko munang ipost sana yung mga ginawa kong tula for our Filipino poetry class pero di ko mahanap. Tapos nasira pa USB ko kaya kahit softcopy eh wala. So yung mga lyrics na lang ng mga kantang paborito ko yung ipopost ko for this week. Sana maenjoy ito ng mga OPM lovers tsaka yung inlove, na-inlove, maiin-love at mga walang pakialam.

IKAW LAMANG (by Silent Sanctuary)

Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na

Ayoko ng maulit pa
Ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa

Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta

Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na

——————————————————————————————–
Naaalala ko yung past ko. Kung gaano ako katorpe noon and actually up to now.Sinasabi sa kanta na ito na minsan may mga hardships tayong pinagdadaanan pero basta’t nandyan yung mga taong minamahal natin eh ayos lang at gumagaan ang lahat ng pabigat gaya ng mga problema. Abangan ninyo na lang yung mga susunod kong ipopost taposcomment na rin kung gusto ninyo. You can tell me what you feel about the song whatsoever…