Tapos Na?

Pebrero 12, 2009

tapos na?

Kung iisipin natin, napakasakit isipin kung tayo ay mahaharap sa isang sitwasyon kung saan parang tapos na ang lahat. Kung di mo pa rin maintindihan ang sinasabi ko, isipin mo na lang may dalawang bagay na kaugnay sa mga sinasabi ko kanina lang. Una ay kung malaman mong tapos na ang lahat mula sa isang pangyayaring di mo makalilimutan at ang isa nama’y natapos ang lahat ngunit hindi mo man lang halos naramdaman.

Oo, siguro di mo pa rin maiintindihan ang mga sinasabi ko kung di mo alam ang istorya ko. Pero sa ngayon di na mahalaga iyon. Isipin mo na tulad nang sa pagmamahal, parang isang sugal ang iyong sinusuong, isang sugal dahil di mo alam kung ano ang susunod. Basta ang alam mo lang ay kung paano pakiharapan kung ano man ang hinaharap sa’yo ng tadhana.

Napakahirap aminin na katapusan na nang isang pagmamahal na sumibol na para bang kahapon lamang. Siguro’y naranasan mo na, na magmahal ngunit kinabukasa’y iba na ang iyong nararamdaman. Sino ba’ng dahilan; tutal ay di mo rin naman ginusto ang lahat. Minsan may mga pagkakataon sa buhay natin na kailangan na nating pakawalan ang ilan sa mga bahagi ng ating nakaraan. Mga bagay na maaaring napakahirap bitawan pagka’t ang mga ito’y pawang masasayang alaala ng nakalipas o di kaya nama’y panahon kung saan tayo’y nalungkot pagkat ating nalaman na hindi pala maaaring ipilit ang lahat ng gusto natin. Na may mga taong masasaktan, at kailangan na nating magparaya.

Kung tatanungin mo ako kung anong nararamdaman ko ngayon. Malungkot dahil magpapaalam na ako sa isang pag-ibig na nagtagal at pinagtibay na nang panahon. Ngunit sa kabilang dulo ng pisi ay masaya rin naman ako dahil naisip na sa bawat pagtatapos ay katapat na panibagong simula na tiyak namang nararapat kong abangan. At mula ngayon ay lagi ko nang tatandaan na ang nakalipas ay gabay lamang para sa kinabukasan. Hindi ito maaaring maging basehan kung paano tayo dapat mabuhay sa araw-araw at kung ganoon, alam ko na masakit pero nararapat nang tanggapin na mali ang mabuhay sa nakaraan, maling pag-asa at walang tigil na paghihintay. Oo at tapos na pero alam ko na sa susunod ay may darating pa na mas maganda, na siyang dapat simulan.

:-]

Enero 8, 2009

fork-int-the-road

Di ko talaga makalimutan ang 2 taon ko sa school ko bago ako pumasok sa pisay. Di ko rin maisip na sa dalawang linggo eh magiging isang multo na gagambala sa akin sa loob ng tatlong taon. Naaalala ko noon, June 5, 2006, sa auditorium ng MaSci ko nakilala ang mga una kong kaklase sa high school. Syempre medyo kabado pa dahil first year pa lang, unang taon sa high school at unang pagkakataon na papasok sa isang paaralan na malayo sa lugar namin. Naramdaman ko rin ang “responsibilidad” na ipinataw sa ‘kin nang maghighschool ako. Magkakahalong emosyon: tuwa, lungkot, at marami pang iba. Kaya siguro di ko rin malimutan ang mga sandaling iyon sa aking buhay. Lalung-lalo na nang masilayan ko ang isang babaeng, ang unang nagpatibok sa aking puso. Di ko maipaliwanag, na tila isang kidlat na tumama sa akin nang tumingin sya sa amin at nagpakilala. Ewan ko ba. ganun ba talaga yun? Hanggang ngayon eh di ko pa sya nakakalimutan kahit na minsan na lang kami mag-usap. Nasaan man sya ngayon, kung saan man, sana masaya sya.

Sa loob ng tatlong taon naisip ko kung sana ay di ko na lang sya nakilala. tatlong taong nangulila, pero kung iisipin ko rin naman, tatlong taon din sana hanggang ngayon ay di ko pa rin nararamdaman ang kakaibang bagay na iyon. Tatlong taon, di ko maisip kung anong maaari kong magawa sa malaking panahon na yon lalo na sa tatlong taon, sa kanya lang umikot ang aking oras. Hindi ko alam kung bakit. Ngunit parang sinadya. Isang araw matapos ang aking kaarawan. Kinailangan kong lumipat ng ibang eskwelahan. Naaalala ko pa ang mga naiisip ko noon, kung papaano ko sya lalapitan, kung papaano ko sya kakausapin at kung papaano ko pipiliting di sya mabagot sa’kin. Ngunit ang lahat ng iyon ay naglaho. Nang dahil sa isang desisyon, ang aking paglipat. Sa mga panahong yon ay para akong nakasilid sa isang kwartong naglalaman ng aking nakaraan, pagka’t ang pag-aaral sa eskwelahang iyon ay matagal ko nang pangarap,ngayon, dahil sa mga taong nakapaligid sa akin noon na ayaw kong mawala at ang kinabukasan,na syang nakasalalay kung ano ang pipiliin ko sa dalawa.

Pero ngayon at nakagawa na ako ng aking desisyon. napag-isipan ko rin na bakit ako magpapatalo sa alaala ng aking nakaraan na wala namang saysay at di makakarulong sa’kin bagkus makadaragdag pa sa aking mga problema. Ngayon naisip ko na ang dapat kong paghandaan ay ang bukas, ang natitira kong pagkakataon para ituwid ang lahat at magsimulang muli.