Goodbye Miss Perfect

Marso 14, 2009

autumn1

Dear Miss Perfect

Miss Perfect, ganyan kung paano kita tawagin noon. Naaalala mo pa ba nung mga unang araw na makilala kita? Nahihiya nga ako noon na malaman mong tinitignan kita, kaya sa bawat lingon mo eh syang talikod ko naman. Masarap talagang balikan yung mga araw na iyon. Oo, at sa bawat araw na nagdaan eh mas lalo kitang nakilala. Mabait ka, magalang, at pranka sa lahat. Sinasabi mo lahat ng gusto mong sabihin, pero sa magandang paraan na di ka makakasakit. Kaya nga kita nagustuhan kasi sa ugali mo.

Hindi ka lang mabait, maganda ka pa. Yang buhok mo na parang may highlights na brown. Haha, nakakatuwa lang nang malaman kong natural yung kulay na yun. Pambihira ka talaga. Pag dating naman sa klase, eh di ka rin papahuli. Matalino, maraming alam, na para bang napakarami mong masasabi. May sarili ka ring pananaw tungkol sa mga bagay-bagay, di gaya ng iba na pilit na lang nagwawalang-bahala at walang pakialam. Anak ng dalawang doktor, nakakaangat sa buhay siguro eh nasa iyo na ang lahat.

Oo, sa lahat ng aspeto eh nagustuhan kita. Kaya nga Miss Perfect ang palayaw ko sa’yo. Pero sa tingin ko eh panahon na para kalimutan kita. burahin na ang lahat ng alaala ko tungkol sa’yo. Kaya di ko na kaya na sa bawat araw na magdaan, parang isang mahinang lason ang dumaragdag sa aking puso at ngayon ang araw na nakatakda para ako’y labis na masaktan.

Naaalala mo pa ba nung huli tayong magkita. Di ko inaasahan ang pag-alis ko sa eskwelahang yan, kung saan utang ko ang lahat, kung saan una tayong nagkakilala. At sa bawat pagkakataon na mapapadaan ako eh di ko maiwasang  malungkot kasi iniisip ko kung di ako umalis, parehas pa rin kaya?

Siguro nagtataka ka kung bakit ko nasabi ang lahat ng iyon. Saglit pa lang tayo nagkakilala. Siguro para sa’yo di mo pa ko lubos na kilala. Kung alam mo lang na sa bawat araw naisip ko na sana eh mas nakilala pa kita nang lubos.

Kung nababasa mo man ito ngayon, wag kang malungkot dahil wala kang kasalanan. At lalong hindi sa’kin. Salamat sa pagiging parte ng buhay ko. Kung paano mo ako pinasaya sa bawat pagkakataong makikita ko ang mga litrato mo. Kung paano gumagaan ang loob ko sa bawat pagkakataong makita ko ang mga ngiti mo.

Pero sa tingin ko ito na ang pagtatapos. Ang pagtatapos nang mga munting pangarap ko na masabi muli sayo kung gaano mo ako binago. Dati di ko alam kung paano magpakumbaba. Dati di ko alam kung papaano ang magmahal. Utang ko ang lahat ng iyon sa’yo. Kahit alam ko na hindi mo ako kayang mahalin ng tulad ko sa’yo. Nirerespeto ko iyon. Sana Miss Perfect, kung nasaan ka man ngayon, kung nababasa mo man itong sulat ko para sa iyo. Maraming Salamat sa lahat ng naituro mo sa’kin. At sana sa susunod na magkrus tayo nang landas parehas nating masabi sa isa’t-isa ang “ Kamusta ka na?” at “Eto pa rin, masaya”

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: