Huwag Kang Makakalimot

Pebrero 4, 2009

Sabi nga nila, na kung ano ang mga nangyari sa nakalipas ay nararapat nang kalimutan. Pero paano mo makakalimutan ang isang bagay na tumatak sa iyong pagkatao. Isang pangyayaring bumago at nagbigay ng buhay sa isang katauhang di mo nakikilala. Ganyan ang nangyari sa akin. May mga pangyayari sa buhay ko ang hindi ko makalimutan. Lalung-lalo na ang mga bagay na labis kong pinagsisihan.

Maraming tao na rin ang nagdaan at nagtanong kung bakit di ko na lang padaanin o di kaya’y kalimutan ang nakalipas. Naitanong ko na rin sa aking sarili iyon ngunit di ko alam ang kasagutan hanggang sa mga oras na ito na aking napagtanto. May mga bagay sa ating nakalipas ang maaaring palipasin ngunit mahirap kalimutan. Sapagkat ang nakaraan ay hindi lamang kung ano ang nangyari sa atin, sa ating buhay kundi isang linangan kung saan napagtitibay natin ang ating mga sarili at nawawasto ang ating mga kamalian.

Mahirap itanggi na ikaw sa sarili mo, ay may mga bagay na pinagsisihan. Ngunit para saan, at bakit di mo ito malimot-limot? Dahil ba marahil kaya mong bumalik sa nakaraan upang itama ang iyong mga pagkakamali? Malamang ay hindi. Hindi mo makalimutan ang bagay na iyon dahil nag-iwan na ito ng kanyang marka na kahit ikaw mismo’y di makabubura dito.

Oo nga’t ang nakaraan ay nakalipas na. Ngunit sa ating paglalakbay nawa’y magsilbi itong gabay upang sa susunod na harapin natin ang mga parehong sitwasyon ay mayroon na tayong sapat na basehan, sapagkat alam na natin kung ano ang nangyari at kung ano ang nararapat na gawin. Kaya kung ako sa’yo, wag mong kalilimutan ang iyong mga problema,pasanin, masasaya o malulungkot na alaala bagkus isipin upang sa susunod ay maging handa sa kung ano mang bagay na ating daratnan.

2 Tugon to “Huwag Kang Makakalimot”

  1. alasais said

    kung iisipin, marami rin tayong mga pagkakamali noon. pero ano nga ba’ng halaga nun? nalungkot tayo. nainis. nabigo. nagpasalamat. in short, naging mas magaling na tao tayo.

    – tenco of alasais

  2. blurosebluguy said

    malalim ang pagpapakahulugan mo sa paksa ng buhay…isa kang taong malalim…ingat lang baka malunod ka (joke).

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: