Paano kaya bukas?

Enero 19, 2009

Third year na ako! Yes at ilang buwan na lang ay matatapos na. Magfofourth year na rin ako tapos ay magkokolehiyo. Hanggang ngayon nga eh hindi ko pa alam kung anong kurso ang kukunin ko. Basta kung ano ang maganda tsaka maraming **** pagkatapos :]. Ang sarap din siguro kapag tapos ka na ng pag-aaral. Isipin mo, wala na gaanong pressure sa halos 12 oras na pasok sa eskwela tapos kikta ka pa! reserved pa ang gabi mo every saturday for gimmicks and barkada🙂. Hehe, ewan ko kung nakakarelate yung mga kakilala ko na nagtratrabaho na o ipipilit pa rin nila mas mahirap pag may trabaho na dahil daw sa stress ng deadlines, deadlines at deadlines🙂.

Pero ewan ko. Siguro mas maganda na rin na hintayin mong dumating ang mga bagay-bagy sa takdang oras kaysa harapin mo agad nang wala kang kahandaan. Mas lalo mo sigurong di maeenjoy yun kapag nagkaganun. Tsaka iba pa rin talaga na kapg ang lahat eh pinaghihirapan at marami kang natututunana. Naaalala ko tuloy yung naikuwento sa’kin ng kaibigan ko. Sabi niya sa probinsya, kapag gusto mong kumain ng prutas eh kukuha ka lang sa mga puno. Kaso nga lang may iba-ibang bagy na pipigil sa’yo gaya ng mahinang sanga ng puno, masungit na kapitbahay o kahit na mga asong gala. Pero kapag nakakuha ka ng prutas kahit medyo hilaw pa eh mas masarap pa rin kumpara sa prutas na nakalagay lang sa lamesa na handa nang kainin, diba? Basta iniisip ko ngayon na lahat nang yan ay darating sa takdang oras. Na kailangan kong ipisin mabuti kung ano ang itinuturo sa’kin ng ngayon at para sa pagdating ng araw na yon eh mas matatag na ako at lahat ay kayng lagpasan

2 Tugon to “Paano kaya bukas?”

  1. anijun said

    pag nagtatrabaho ka na, maiisip mo rin na masarap maging estudyante. hehe

  2. gudang said

    tama yung nasa itaas nitong comment na to..
    pero ndi pa naman ako nagtatrabaho eh, tulad mo lang din akong estudyanteng adik.. ahaha.. kaya ndi ko pa talaga alam yun.. hahaa..
    wala lang.. umepal lang.. x)
    ge napadaan lang! aral ka mabute.. marami pa taung kakaining bigas!🙂 college ako, hayskul ka, kaya pa yan!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: