Nakakapagod

Enero 23, 2009

Buti na lang Friday na at tapos na rin ang preparasyon para sa YMSAT week sa susunod na linggo. Sigurado kung ano yung pagod namin nga tiyak na doble pa lalo na’t maraming magpupuntang taga-ibang eskwelahan sa school namin. Marami na namang gagawin gaya ng pag-aayos ng mga booth at exhibits. Medyo nakakaasar kapag nandyan yung mga taga-ibang school kasi medyo nakakailang. Alam mo yung parang nasa teritoryo mo sila pero di ka makakilos ng tama kasi para kayong mga zoo animals kung pagtitigan ng mga tao :]. Ewan ko kung bakit tingin ko eh ganun pero maski nga ako eh di ko alam. Basta kung nakakailang man kailangan lang naming makisama. Isang linggo lang yan, isang linggong walang klase!(yehey!), isang linggong pagtitiis para maipakita sa lahat na karapat-dapat lamang na tawagin kaming mga iskolar ng bayan na hinubog sa iba’t-ibang larangan.

Advertisements

Paano kaya bukas?

Enero 19, 2009

Third year na ako! Yes at ilang buwan na lang ay matatapos na. Magfofourth year na rin ako tapos ay magkokolehiyo. Hanggang ngayon nga eh hindi ko pa alam kung anong kurso ang kukunin ko. Basta kung ano ang maganda tsaka maraming **** pagkatapos :]. Ang sarap din siguro kapag tapos ka na ng pag-aaral. Isipin mo, wala na gaanong pressure sa halos 12 oras na pasok sa eskwela tapos kikta ka pa! reserved pa ang gabi mo every saturday for gimmicks and barkada :-). Hehe, ewan ko kung nakakarelate yung mga kakilala ko na nagtratrabaho na o ipipilit pa rin nila mas mahirap pag may trabaho na dahil daw sa stress ng deadlines, deadlines at deadlines :-).

Pero ewan ko. Siguro mas maganda na rin na hintayin mong dumating ang mga bagay-bagy sa takdang oras kaysa harapin mo agad nang wala kang kahandaan. Mas lalo mo sigurong di maeenjoy yun kapag nagkaganun. Tsaka iba pa rin talaga na kapg ang lahat eh pinaghihirapan at marami kang natututunana. Naaalala ko tuloy yung naikuwento sa’kin ng kaibigan ko. Sabi niya sa probinsya, kapag gusto mong kumain ng prutas eh kukuha ka lang sa mga puno. Kaso nga lang may iba-ibang bagy na pipigil sa’yo gaya ng mahinang sanga ng puno, masungit na kapitbahay o kahit na mga asong gala. Pero kapag nakakuha ka ng prutas kahit medyo hilaw pa eh mas masarap pa rin kumpara sa prutas na nakalagay lang sa lamesa na handa nang kainin, diba? Basta iniisip ko ngayon na lahat nang yan ay darating sa takdang oras. Na kailangan kong ipisin mabuti kung ano ang itinuturo sa’kin ng ngayon at para sa pagdating ng araw na yon eh mas matatag na ako at lahat ay kayng lagpasan

:-]

Enero 8, 2009

fork-int-the-road

Di ko talaga makalimutan ang 2 taon ko sa school ko bago ako pumasok sa pisay. Di ko rin maisip na sa dalawang linggo eh magiging isang multo na gagambala sa akin sa loob ng tatlong taon. Naaalala ko noon, June 5, 2006, sa auditorium ng MaSci ko nakilala ang mga una kong kaklase sa high school. Syempre medyo kabado pa dahil first year pa lang, unang taon sa high school at unang pagkakataon na papasok sa isang paaralan na malayo sa lugar namin. Naramdaman ko rin ang “responsibilidad” na ipinataw sa ‘kin nang maghighschool ako. Magkakahalong emosyon: tuwa, lungkot, at marami pang iba. Kaya siguro di ko rin malimutan ang mga sandaling iyon sa aking buhay. Lalung-lalo na nang masilayan ko ang isang babaeng, ang unang nagpatibok sa aking puso. Di ko maipaliwanag, na tila isang kidlat na tumama sa akin nang tumingin sya sa amin at nagpakilala. Ewan ko ba. ganun ba talaga yun? Hanggang ngayon eh di ko pa sya nakakalimutan kahit na minsan na lang kami mag-usap. Nasaan man sya ngayon, kung saan man, sana masaya sya.

Sa loob ng tatlong taon naisip ko kung sana ay di ko na lang sya nakilala. tatlong taong nangulila, pero kung iisipin ko rin naman, tatlong taon din sana hanggang ngayon ay di ko pa rin nararamdaman ang kakaibang bagay na iyon. Tatlong taon, di ko maisip kung anong maaari kong magawa sa malaking panahon na yon lalo na sa tatlong taon, sa kanya lang umikot ang aking oras. Hindi ko alam kung bakit. Ngunit parang sinadya. Isang araw matapos ang aking kaarawan. Kinailangan kong lumipat ng ibang eskwelahan. Naaalala ko pa ang mga naiisip ko noon, kung papaano ko sya lalapitan, kung papaano ko sya kakausapin at kung papaano ko pipiliting di sya mabagot sa’kin. Ngunit ang lahat ng iyon ay naglaho. Nang dahil sa isang desisyon, ang aking paglipat. Sa mga panahong yon ay para akong nakasilid sa isang kwartong naglalaman ng aking nakaraan, pagka’t ang pag-aaral sa eskwelahang iyon ay matagal ko nang pangarap,ngayon, dahil sa mga taong nakapaligid sa akin noon na ayaw kong mawala at ang kinabukasan,na syang nakasalalay kung ano ang pipiliin ko sa dalawa.

Pero ngayon at nakagawa na ako ng aking desisyon. napag-isipan ko rin na bakit ako magpapatalo sa alaala ng aking nakaraan na wala namang saysay at di makakarulong sa’kin bagkus makadaragdag pa sa aking mga problema. Ngayon naisip ko na ang dapat kong paghandaan ay ang bukas, ang natitira kong pagkakataon para ituwid ang lahat at magsimulang muli.