Mga Tula (4)

Disyembre 23, 2008

Ika-4 na mula sa 5 kong ipopost. Parang kailan lang, mga plano lang itong pagpopost ng mga tula ko. Sa una, medyo nahihiya pa nga ako kasi baka di magustuhan ng mga readers ko tsaka nakakahiya kasi baka lumabas naman na parang pinagyayabang ko pa itong kakayanan kong gumawa ng tula. Pero naisip ko na blog ko ito at pwede kong ilagay ang kahit na anong magustuhan ko. Tsaka, wala namang masama sa pagpopost ng tula. Iba yung pagiging proud sa pagmamayabang. Kahit naman nakagawa ko ng mga tulang pinupuri ng iba eh sinasabi ko pa rin naman na kahit sila eh kayang gumawa ng tula basta isasapuso lang nila ang paggawa nito. O sya at eto na ang ika-4 kong tula.

U.N. AVENUE
Ilang taon na nga bang nakalipas nang dito’y huling makasakay?,
Matagal na panahong nanatiling lantay,
Yaring tren na sa ki’y nagpapaalala,
Pumapawi sa aking kawalan ng pag-asa,

Ngunit sa pag-andar ng tren, aking puso’y nahihimlay,
Sa mga riles na nagpabago sa aking buhay,
Na minsa’y marahan,
Ngunit madalas ay rumaragasa, malaalong paglalakbay,

Hayan at malapit na akong bumaba,
Sa istasyon kung saan ika’y unang nakilala,
Naaalala ko pa noon ang maririkit mong mga mata,
Na tumatak sa aking isipan, sa aking diwa,

Aking nababanaag, ang panahong lumilipas,
O bakit nga ba muling tinahak muli itong landas,
Bawat istasyon sa ki’y nagpapakita,
Mga masasaya ngunit pawang malulungkot na alaala,

Sabay sa pagtakbo ng tren ako’y umaasa,
Na ika’y masilayan, muli kong makita,
Umaasang sa susunod naa pagsakay ay di na malagpas,
O malihis aking puso sa nais na landas,

At sa pagbaba dito sa istasyon,
Nalungkot pagka’t aking nalaman, ika’y wala na roon,
At sa paghagupit ng hanging napadaan,
Tinangay aking pangarap, ika’y mahagkan,

– Kung sa halaga lang ang pag-uusapan, ito ang pinakaiingatan at may pinakamahalaga sa aking tula. Kasi may “personal touch” talaga itong tula na ito. Before kasi ako pumasok sa PSHS, eh nakaenroll na ako sa Ma Sci, tapos lagi akong sumasakay LRT Line 1. Yung line na “Sa istasyon kung saan ika’y unang nakilala,” di ko kasi madiretso na MaSci yung tinutukoy ko, kaya sinabi ko na lang na sa istasyon. Pero malapit naman kaya ok na rin yun. Bakit ko nasulat itong tula na ito? kasi ngayong na sa PSHS na ako iba na yung way ko kahit galing ako sa Manila sa QC naman punta ko. Ngayong year ko lang naman kasi nakasanayan ang mag-MRT kaya one time nung nagcross ako ng line, after Taft sa MRT sumakay ako sa EDSA(line 1) papuntang UN Avenue, para makita ang MaSci at syempre ang mga kaibigan ko doon lalung-lalo na ang makita ko sya. Pero nalate na ako ng dating at di ko na siya naabutan kaya yung takbo ng tula mula sa masaya, naging palungkot nang palungkot.

Mga Tula (3)

Disyembre 23, 2008

Eto yung ikatlo at sa tingin ko eh pinaka maganda sa lahat ng ginawa kong tula 🙂 wala nang kokontra! hehe…so simula na malayang panunudtod syempre malayang taludturan to kaya ganun.

ISA PANG PAGKAKATAON
Tik-tak, Tik-tak, Tik-tak,
Ilang minuto, Ilang segundo na lang ang natitira,
Tik-tak, Tik-tak, Tik-tak,
Sandali na lang at matatapos na,
Aking naaalala kung paano nagising kaninang umaga,
Ngayo’y nakaharap sa dapithapon, sa kawalang bumalot sa’king pag-asa,

Tik-tak, Tik-tak, Tik-tak,
Naaalala nang kami’y mga bata pa,
Habang naglalaro sa mga punong santol,
Ilang ulit na nasugatan, nadapa,
Ngunit ngayon ay di ko na namalayang patapos na,
Kamay ng relo’y nagtapat, dumagundong,
Yumayanig na tulad ng malakas na alon,

Tik-tak, Tik-tak, Tik-tak,
Naaalala mo pa ba?
Ang sinabi sa’yo ng tayo’y mga bata pa,
“Pabayaan mo na, Kalimutan mo na,”,
Nais kong iyo’y malaman,
Nais ko lamang sabihin, “Minamahal Kita”,

Tik-tak, Tik-tak, Tik-tak,
Marami pa sana aking nais na sabihin,
Ngunit hanggang dito na lang,
Unti-unting naglalaho aking paningin,
Sabay sa paglaya ng aking diwa, isipan, damdamin,

Tik-tak, Tik-tak, Tik-tak,
Kung maaari lang sana, mga kamay nitong oras ay ibalik,
Ngunit wala nang magagawa, nararapat na tanggapin,
Ang humarap sa Kanluran, mata’y ipikit,
At sa huling pagkakataon, hangi’y lasapin,

-Bale ang kuwento dito kasi ganito yun. Deadline na nito kinabukasan tapos wala pa akong nagagawang tula. Tapos ang dami pang exams at ibang requirements na due din kinabukasan kaya yung tema nito eh tungkol sa kamatayan…naisip ko lang nung mga araw na yun paano kung oras ko na bukas kaya nabuo