Mga Tula (2)

Disyembre 21, 2008

Eto yung ikalawa sa mga ipopost kong mga tula tapos after nito mga tulang malayang taludturan naman. Basahin ninyo lang ng basahin hanggang sa magsawa kayo. HAHAHAHA. Joke lang.

LIGAW LIHAM

Mga letrang sinulat sa isang papel,
Na may kaibang samyo, kulay ay kahel,
Bawat linya, pinag-isipan,
Na sa bawat letra ay may nilalaman,

Kasama sa ligaya, lungkot at dusa,
Mag-isang nagsusulat gamit ang pluma,
Tanging saksi ay yaring papel at tinta,
Sa kanyang tunay at labis na pagsinta,

Tuwing maiisip, kanyang pagkawala,
Labis na pagsisisi sa di nagawa,
Bawat oras na sa kanya’y nagdadaan,
Saan nga ba ang tungo, tila sa kawalan,

Nakalakip ay baong halik at yakap,
Na hiling sa tuwina ‘y kanyang malasap,
Sa pagkumpas ng hangin, pinapadala,
Kasama ang pag-asang sya’y maalala,

-Bale yung kuwento nito eh tungkol sa isang narrator na nagkukuwento ng mga sufferings and at the same time yung mga kasiyahan ng isang taong nagsusulat ng love letter. Kung nakakrelate kayo, mas mafefeel ninyo yung tula, pero mas marami pang mas magaganda na dapat ninyong abangan.

Advertisements

Mga Tula (1)

Disyembre 21, 2008

O eto na yung para sa mga nagrequest ng mga tula ko. Pero for this time, sinisigurado ko na mas magugustuhan ninyo kumpara sa mga pinost kong mga kanta. Tsaka lalagyan ko na rin ng explanation tsaka mga kuwento mula sa pagkabuo hanggang sa kung paano ako naapektuhan ng mga tulang eto. Siguro mga 2 tula muna ngayon; 2 may sukat at tugma tapos yung 3 malayang taludturan next time na pero sisiguraduhin kong matatapos ko before Christimas para gift ko na rin sa mga readers ko.

TINURUAN MO AKONG MAGMAHAL

Kailan nga ba, una tayong magkita,
Sa sobrang tagal di ko na maalala,
Paano mo nga ba nahuli aking mata,
Ako’y nabighani sa taglay mong ganda,

Mula noo’y ikaw ay di na malimot,
Ano ba’t bakit, saya sa aki’y iyong dulot,
‘Kaw na unang nagpangiti sa mga labi,
Ngayo’y hanap sa ‘twina, pala-palagi,

Puso kong puno nga pagkapagal,
Iyong tinuruan kung pa’no magmahal,
Naging inspirasyon, saki’y nagpatatag,
Ngayo’t kailanma’y aking mababanaag,

Batid ko naman, mahal mo’y iba,
Hayaan mo’t di ko na ipipilit pa,
Di na aasang ako’y iyong mahalin,
Sa ‘yong ligaya, ako’y masaya na rin,

– So yung kwento tungkol dito, kasi ganito yun, eto yung una kong tula na pinasa kaya compared sa iba kong mga tula na ipopost ko eh medyo tama lang sya. Tungkol sa pag-ibig yung tema at tungkol din siya sa pagsibol ng isang pag-ibig. Ito yung tipo na umaasa pero nalaman na may mahal nang iba yung minamahal niya kaya pinili na lang ang magparaya.
So yun, una pa lang yan. May 4 pa. Kaya tuloy lang kayo sa pagbasa ng blog ko at Maligayang Pasko sa inyong lahat!!!