Songs of My Life (5)

Disyembre 18, 2008

Akala ko eto na yung last na ipopost ko pero marami kasing nagrerequest na sana tagalan ko pa. Pero syempre di naman ito site para sa ganyang mga bagay. Gusto ko lang naman ishare yung mga favorite OPM songs ko. So, sa lahat ng nagrerequest, sorry siguro hanggang 7 lang kasi ipopost ko pa yung mga tulang ginawa ko. Pero I’m sure na kung nagustuhan ninyo yung mga pinagpopost ko these past few days, siguro mas magugustuhan ninyo yung mga tulang gawa ko. Kasi, di katulad ng ibang mga tula, ilalagay ko yung explanations/interpretation ko sa mga tulang yun. Baka ilagay ko rin yung kuwento behind those poems kaya sana patuloy lang kayo sa pagbabasa ng blog ko.

O sya, eto na yung ika-5 sa pinost kong mga kanta. Actually, eto yung pamparelax ko kasi kahit medyo seryoso yung kanta eh nadaan sa style para hindi maging flat in terms of expression.

Huwag Na Lang Kaya (by True Faith)

Nais ko ay magpakilala sa iyo
At ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko
Mauunawaan mo kaya
O baka sampalin mo lang ang aking mukha
Nagdadal’wang isip na
Huwag na lang kaya
Huwag na lang kaya

Nais ko ay ialay sa iyo
Ang puso ko na umiibig sa iyo
Ngunit di mo na yata kailangan ng ganyan
Meron ka na yatang kasintahan
Naninikip ang tiyan
Huwag na lang kaya
Huwag na lang kaya

Ngunit di mo na yata kailangan ng ganyan
Meron ka na yatang kasintahan
Naninikip ang tiyan
Huwag na lang kaya
Huwag na lang kaya
Huwag na lang
Huwag na lang
Huwag na lang kaya
Hoo hoo