Songs of My Life (3)

Disyembre 6, 2008

Ito yung pangatlo sa mga ipopost kong mga mga kanta. Para sa’kin itong kantang ito ang pinakamaganda sa lahat ng kantang naipost ko na. Kasi nirereflect talaga nito yung mga nangyari sa buhay ko. Kung makailang beses na sinabing ” Akin ka na Lang “. Naaalala ko kasi may nagugustuhan akong babae noon tapos hirap na hirap talaga akong sabihin sa kanya na crush ko siya. Ewan ko kung bakit. Pero sa tingin ko siguro kasi baka kapag malaman niya eh layuan na niya ko at masakripisyo yung pagkakaibigan namin. Tapos yun nalaman ko na may nanliligaw sa kanya na kilalang-kilala sa school na may pagka-“kilabot” sa mga babae. Kaya nung una kong narinig yung kantang ito eh tinamaan ako agad. Wala na akong balita ngayon sa kanya basta ang alam na minsan sa buhay ko eh nasabi kong, “sana, akin ka na lang…”. Di ko na patatagalin kaya eto na ang kanta : “Akin ka na Lang” by Itchyworms…

“Akin Ka na Lang” (by Itchyworms)

Intro
Verse 1
‘Wag kang maniwala d’yan. ‘Di ka n’ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya
Iiwanan ka lang n’yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n’ya

Chorus
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa ‘yo

Verse 2
‘Di naman ako bolero katulad ng ibang tao
Ang totoo’y pag nandyan ka medyo nabubulol pa nga ako
Malangis lang ang dila n’yan, ‘wag kang madala
Dahan-dahan ka lang, baka pati ika’y mabiktima (’Wag naman sana)

Repeat Chorus

Refrain
‘Di naman sa sinisiraan ko ang pangit na ‘yan
‘Wag ka dapat sa’kin magduda, hinding-hindi kita pababayaan!

Repeat Chorus

Akin ka na lang
Liligaya ka sa pag-ibig ko
Akin ka na lang
At wala nang hihigit pa sa ‘yo
Wala nang hihigit pa sa ‘yo (akin ka na lang)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: