Ang aking abang Pagbabalik

Agosto 11, 2009

Marso 22, 2009? 4 na buwan at 20 araw na mula nang muli ang magsulat, maglagay ng aking mga akda, gumawa ng repleksiyon at iba pa. Magtatatlong libo na rin ang bumibisita sa blog kong ito. At aking sasabihin, na hindi ko pa sinasara ang blog na ito. Sa katunayan, sa matagal kong pagpapahinga ay marami akong bagay na napag-isipan. Mga pitak na aking nalipon at ngayo’y muli kong ibabahagi. At para sa mga tagasubaybay sa blog kong ito, salamat. Salamat sa paghihintay, paghihintay sa matagal kong pagkawala. Marami na rin akong natatanggap na email na nagsasabing “Kailan ko ulit magpopost ng mga gawa mong tula?”, “Kailan namin ulit mababasa ang mga ideya mo?”. At sa tingin ko’y isang magandang dahilan ang mga iyon upang buhayin ko ulit ang blog na ito. Abangan ninyo na lang sa mga susunod na araw ang aking mga post😀

Mainit na Pagbati

Marso 22, 2009

Haaaaayyyyy!!!! summer na naman. Bakasyon na! Walang pasok. Marami na akong oras para makapagblog. Napakabusy ko lang talaga noong mga araw na may pasok, at kaya ngayon na nabakante na ako, eh sasabayan ko na nang pagbloblog.

Eto humihinga pa naman. Matapos nang mga nangyari. Hay nako, kalimutan na nga natin yang mga bagay na yan. Sabi ko nga sa isa kong post: Ang nakaraan ay nakaraan na, ang dapat pagtuunan ng pansin ay ang kinabukasan na siyang paparating.

Tama,tama. Maghahanap na lang ako ng ibang mapagkakaabalahan…kung di bagay, gawain o tao, este ahh..ayoko na…nadala na ako sa ganyan. Di naman nagworthwhile ang oras ko sa mga ganyan. “Three years after all is a big amount of time to waste”, pinakaprecious asset ko na nga lang ang oras ko…ika nga “Time is gold”, tapos di pa pinahalagahan…kaya magtatake-a-break muna ako sa mga ganyan…bubusugin ko na lang ang puso ko with kitkat…oi kung nababasa mo ito, di ikaw yung tinutukoy ko…katunog lang ng pangalan mo eh baka magreact ka na agad🙂

Ang init seryoso! O baka marami lang akong kilalang hot…o baka ako na rin…ang feeling…ano ba yan! bakit nagiging ganito ako?, di naman ako ganito dati ah…..ampf…o cge na at isasara ko na ang post na ito para mabawasan kung ano man ang mga kalokohang masasabi ko pa dapat…

Goodbye Miss Perfect

Marso 14, 2009

autumn1

Dear Miss Perfect

Miss Perfect, ganyan kung paano kita tawagin noon. Naaalala mo pa ba nung mga unang araw na makilala kita? Nahihiya nga ako noon na malaman mong tinitignan kita, kaya sa bawat lingon mo eh syang talikod ko naman. Masarap talagang balikan yung mga araw na iyon. Oo, at sa bawat araw na nagdaan eh mas lalo kitang nakilala. Mabait ka, magalang, at pranka sa lahat. Sinasabi mo lahat ng gusto mong sabihin, pero sa magandang paraan na di ka makakasakit. Kaya nga kita nagustuhan kasi sa ugali mo.

Hindi ka lang mabait, maganda ka pa. Yang buhok mo na parang may highlights na brown. Haha, nakakatuwa lang nang malaman kong natural yung kulay na yun. Pambihira ka talaga. Pag dating naman sa klase, eh di ka rin papahuli. Matalino, maraming alam, na para bang napakarami mong masasabi. May sarili ka ring pananaw tungkol sa mga bagay-bagay, di gaya ng iba na pilit na lang nagwawalang-bahala at walang pakialam. Anak ng dalawang doktor, nakakaangat sa buhay siguro eh nasa iyo na ang lahat.

Oo, sa lahat ng aspeto eh nagustuhan kita. Kaya nga Miss Perfect ang palayaw ko sa’yo. Pero sa tingin ko eh panahon na para kalimutan kita. burahin na ang lahat ng alaala ko tungkol sa’yo. Kaya di ko na kaya na sa bawat araw na magdaan, parang isang mahinang lason ang dumaragdag sa aking puso at ngayon ang araw na nakatakda para ako’y labis na masaktan.

Naaalala mo pa ba nung huli tayong magkita. Di ko inaasahan ang pag-alis ko sa eskwelahang yan, kung saan utang ko ang lahat, kung saan una tayong nagkakilala. At sa bawat pagkakataon na mapapadaan ako eh di ko maiwasang  malungkot kasi iniisip ko kung di ako umalis, parehas pa rin kaya?

Siguro nagtataka ka kung bakit ko nasabi ang lahat ng iyon. Saglit pa lang tayo nagkakilala. Siguro para sa’yo di mo pa ko lubos na kilala. Kung alam mo lang na sa bawat araw naisip ko na sana eh mas nakilala pa kita nang lubos.

Kung nababasa mo man ito ngayon, wag kang malungkot dahil wala kang kasalanan. At lalong hindi sa’kin. Salamat sa pagiging parte ng buhay ko. Kung paano mo ako pinasaya sa bawat pagkakataong makikita ko ang mga litrato mo. Kung paano gumagaan ang loob ko sa bawat pagkakataong makita ko ang mga ngiti mo.

Pero sa tingin ko ito na ang pagtatapos. Ang pagtatapos nang mga munting pangarap ko na masabi muli sayo kung gaano mo ako binago. Dati di ko alam kung paano magpakumbaba. Dati di ko alam kung papaano ang magmahal. Utang ko ang lahat ng iyon sa’yo. Kahit alam ko na hindi mo ako kayang mahalin ng tulad ko sa’yo. Nirerespeto ko iyon. Sana Miss Perfect, kung nasaan ka man ngayon, kung nababasa mo man itong sulat ko para sa iyo. Maraming Salamat sa lahat ng naituro mo sa’kin. At sana sa susunod na magkrus tayo nang landas parehas nating masabi sa isa’t-isa ang “ Kamusta ka na?” at “Eto pa rin, masaya”

 

 

Sa Likod ng Aking Maskara

Pebrero 28, 2009

Kilala mo ba ko? Kilala mo ba ako kung sino akong talaga? Sa pangalan siguro oo, pero sa personalidad, kilala mo pa ba ko? Di ko talaga alam kung bakit napakahirap iwasang magpanggap. Siguro nagawa mo nang magpasikat o di kaya “magpahangin” sa taong gusto mo o sa mga kaibigan mo. Pero naisip mo na ba na kung sakaling magustuhan man nila yang kung anumang pinaggagagawa mo eh ang nagugustuhan na nila ay hindi na ikaw.

Siguro nalalabuan ka pero oo, totoo ang mga sinasabi ko. Hindi na ikaw ang gusto nila kung sakaling gusto man nila kung ano ang pinapakitungo mo. Di na ikaw yan, ngunit isang taong nilikha mo at kahit kailanma’y di magiging ikaw. Isipin mo na lang bakit ka magpapanggap kung pwede mo namang ipakita kung sino ka, kung sino ka ngang talaga.

At kung umabot ka na sa parteng ito ng post ko at di mo pa rin maintidihan kung bakit kailangan mong magpakatotoo, mas papaliwanag ko sa’yo ng masinsinan. Sabihin na nating gusto nila yang pinapakita mo PERO di ikaw yan at maliwanag pa sa sikat nang araw na niloloko mo lang sila, mas lalo na ang sarili mo. Paano kung malaman nila kung sino ka talaga, maiintinidihan ba nilang niloko mo sila?

Pangalawa, diyan mo talaga masusukukan kung mahal ka nila. Kaya ka ba nilang tanggapin kung sino ka? Kasi, gaya nga nang nasabi ko ang minamahal nila ay ang isa mong katauhan at hindi IKAW.

Pangatlo at pinakaimportante sa lahat, di ka ba napapagod sa ginagawa mo? Oo humanga man sila sa’yo pero para saan pa ang ginagawa mo kung ang niyayabang mo naman ay ibang tao?

Relax lang kaibigan kung tinamaan ka sa mga pinagsasasabi ko kanina. Pero di pa huli ang lahat. Malay mo iba ang asahan nila sa’yo at nagkataong di mo naman kayang ibigay o ipakita sa kanila. Ngayon na, ngayon na ang pinakamagandang paraan para tanggalin ang iyong maskara.

Tapos Na?

Pebrero 12, 2009

tapos na?

Kung iisipin natin, napakasakit isipin kung tayo ay mahaharap sa isang sitwasyon kung saan parang tapos na ang lahat. Kung di mo pa rin maintindihan ang sinasabi ko, isipin mo na lang may dalawang bagay na kaugnay sa mga sinasabi ko kanina lang. Una ay kung malaman mong tapos na ang lahat mula sa isang pangyayaring di mo makalilimutan at ang isa nama’y natapos ang lahat ngunit hindi mo man lang halos naramdaman.

Oo, siguro di mo pa rin maiintindihan ang mga sinasabi ko kung di mo alam ang istorya ko. Pero sa ngayon di na mahalaga iyon. Isipin mo na tulad nang sa pagmamahal, parang isang sugal ang iyong sinusuong, isang sugal dahil di mo alam kung ano ang susunod. Basta ang alam mo lang ay kung paano pakiharapan kung ano man ang hinaharap sa’yo ng tadhana.

Napakahirap aminin na katapusan na nang isang pagmamahal na sumibol na para bang kahapon lamang. Siguro’y naranasan mo na, na magmahal ngunit kinabukasa’y iba na ang iyong nararamdaman. Sino ba’ng dahilan; tutal ay di mo rin naman ginusto ang lahat. Minsan may mga pagkakataon sa buhay natin na kailangan na nating pakawalan ang ilan sa mga bahagi ng ating nakaraan. Mga bagay na maaaring napakahirap bitawan pagka’t ang mga ito’y pawang masasayang alaala ng nakalipas o di kaya nama’y panahon kung saan tayo’y nalungkot pagkat ating nalaman na hindi pala maaaring ipilit ang lahat ng gusto natin. Na may mga taong masasaktan, at kailangan na nating magparaya.

Kung tatanungin mo ako kung anong nararamdaman ko ngayon. Malungkot dahil magpapaalam na ako sa isang pag-ibig na nagtagal at pinagtibay na nang panahon. Ngunit sa kabilang dulo ng pisi ay masaya rin naman ako dahil naisip na sa bawat pagtatapos ay katapat na panibagong simula na tiyak namang nararapat kong abangan. At mula ngayon ay lagi ko nang tatandaan na ang nakalipas ay gabay lamang para sa kinabukasan. Hindi ito maaaring maging basehan kung paano tayo dapat mabuhay sa araw-araw at kung ganoon, alam ko na masakit pero nararapat nang tanggapin na mali ang mabuhay sa nakaraan, maling pag-asa at walang tigil na paghihintay. Oo at tapos na pero alam ko na sa susunod ay may darating pa na mas maganda, na siyang dapat simulan.

Huwag Kang Makakalimot

Pebrero 4, 2009

Sabi nga nila, na kung ano ang mga nangyari sa nakalipas ay nararapat nang kalimutan. Pero paano mo makakalimutan ang isang bagay na tumatak sa iyong pagkatao. Isang pangyayaring bumago at nagbigay ng buhay sa isang katauhang di mo nakikilala. Ganyan ang nangyari sa akin. May mga pangyayari sa buhay ko ang hindi ko makalimutan. Lalung-lalo na ang mga bagay na labis kong pinagsisihan.

Maraming tao na rin ang nagdaan at nagtanong kung bakit di ko na lang padaanin o di kaya’y kalimutan ang nakalipas. Naitanong ko na rin sa aking sarili iyon ngunit di ko alam ang kasagutan hanggang sa mga oras na ito na aking napagtanto. May mga bagay sa ating nakalipas ang maaaring palipasin ngunit mahirap kalimutan. Sapagkat ang nakaraan ay hindi lamang kung ano ang nangyari sa atin, sa ating buhay kundi isang linangan kung saan napagtitibay natin ang ating mga sarili at nawawasto ang ating mga kamalian.

Mahirap itanggi na ikaw sa sarili mo, ay may mga bagay na pinagsisihan. Ngunit para saan, at bakit di mo ito malimot-limot? Dahil ba marahil kaya mong bumalik sa nakaraan upang itama ang iyong mga pagkakamali? Malamang ay hindi. Hindi mo makalimutan ang bagay na iyon dahil nag-iwan na ito ng kanyang marka na kahit ikaw mismo’y di makabubura dito.

Oo nga’t ang nakaraan ay nakalipas na. Ngunit sa ating paglalakbay nawa’y magsilbi itong gabay upang sa susunod na harapin natin ang mga parehong sitwasyon ay mayroon na tayong sapat na basehan, sapagkat alam na natin kung ano ang nangyari at kung ano ang nararapat na gawin. Kaya kung ako sa’yo, wag mong kalilimutan ang iyong mga problema,pasanin, masasaya o malulungkot na alaala bagkus isipin upang sa susunod ay maging handa sa kung ano mang bagay na ating daratnan.

Nakakapagod

Enero 23, 2009

Buti na lang Friday na at tapos na rin ang preparasyon para sa YMSAT week sa susunod na linggo. Sigurado kung ano yung pagod namin nga tiyak na doble pa lalo na’t maraming magpupuntang taga-ibang eskwelahan sa school namin. Marami na namang gagawin gaya ng pag-aayos ng mga booth at exhibits. Medyo nakakaasar kapag nandyan yung mga taga-ibang school kasi medyo nakakailang. Alam mo yung parang nasa teritoryo mo sila pero di ka makakilos ng tama kasi para kayong mga zoo animals kung pagtitigan ng mga tao :]. Ewan ko kung bakit tingin ko eh ganun pero maski nga ako eh di ko alam. Basta kung nakakailang man kailangan lang naming makisama. Isang linggo lang yan, isang linggong walang klase!(yehey!), isang linggong pagtitiis para maipakita sa lahat na karapat-dapat lamang na tawagin kaming mga iskolar ng bayan na hinubog sa iba’t-ibang larangan.

Paano kaya bukas?

Enero 19, 2009

Third year na ako! Yes at ilang buwan na lang ay matatapos na. Magfofourth year na rin ako tapos ay magkokolehiyo. Hanggang ngayon nga eh hindi ko pa alam kung anong kurso ang kukunin ko. Basta kung ano ang maganda tsaka maraming **** pagkatapos :]. Ang sarap din siguro kapag tapos ka na ng pag-aaral. Isipin mo, wala na gaanong pressure sa halos 12 oras na pasok sa eskwela tapos kikta ka pa! reserved pa ang gabi mo every saturday for gimmicks and barkada🙂. Hehe, ewan ko kung nakakarelate yung mga kakilala ko na nagtratrabaho na o ipipilit pa rin nila mas mahirap pag may trabaho na dahil daw sa stress ng deadlines, deadlines at deadlines🙂.

Pero ewan ko. Siguro mas maganda na rin na hintayin mong dumating ang mga bagay-bagy sa takdang oras kaysa harapin mo agad nang wala kang kahandaan. Mas lalo mo sigurong di maeenjoy yun kapag nagkaganun. Tsaka iba pa rin talaga na kapg ang lahat eh pinaghihirapan at marami kang natututunana. Naaalala ko tuloy yung naikuwento sa’kin ng kaibigan ko. Sabi niya sa probinsya, kapag gusto mong kumain ng prutas eh kukuha ka lang sa mga puno. Kaso nga lang may iba-ibang bagy na pipigil sa’yo gaya ng mahinang sanga ng puno, masungit na kapitbahay o kahit na mga asong gala. Pero kapag nakakuha ka ng prutas kahit medyo hilaw pa eh mas masarap pa rin kumpara sa prutas na nakalagay lang sa lamesa na handa nang kainin, diba? Basta iniisip ko ngayon na lahat nang yan ay darating sa takdang oras. Na kailangan kong ipisin mabuti kung ano ang itinuturo sa’kin ng ngayon at para sa pagdating ng araw na yon eh mas matatag na ako at lahat ay kayng lagpasan

:-]

Enero 8, 2009

fork-int-the-road

Di ko talaga makalimutan ang 2 taon ko sa school ko bago ako pumasok sa pisay. Di ko rin maisip na sa dalawang linggo eh magiging isang multo na gagambala sa akin sa loob ng tatlong taon. Naaalala ko noon, June 5, 2006, sa auditorium ng MaSci ko nakilala ang mga una kong kaklase sa high school. Syempre medyo kabado pa dahil first year pa lang, unang taon sa high school at unang pagkakataon na papasok sa isang paaralan na malayo sa lugar namin. Naramdaman ko rin ang “responsibilidad” na ipinataw sa ‘kin nang maghighschool ako. Magkakahalong emosyon: tuwa, lungkot, at marami pang iba. Kaya siguro di ko rin malimutan ang mga sandaling iyon sa aking buhay. Lalung-lalo na nang masilayan ko ang isang babaeng, ang unang nagpatibok sa aking puso. Di ko maipaliwanag, na tila isang kidlat na tumama sa akin nang tumingin sya sa amin at nagpakilala. Ewan ko ba. ganun ba talaga yun? Hanggang ngayon eh di ko pa sya nakakalimutan kahit na minsan na lang kami mag-usap. Nasaan man sya ngayon, kung saan man, sana masaya sya.

Sa loob ng tatlong taon naisip ko kung sana ay di ko na lang sya nakilala. tatlong taong nangulila, pero kung iisipin ko rin naman, tatlong taon din sana hanggang ngayon ay di ko pa rin nararamdaman ang kakaibang bagay na iyon. Tatlong taon, di ko maisip kung anong maaari kong magawa sa malaking panahon na yon lalo na sa tatlong taon, sa kanya lang umikot ang aking oras. Hindi ko alam kung bakit. Ngunit parang sinadya. Isang araw matapos ang aking kaarawan. Kinailangan kong lumipat ng ibang eskwelahan. Naaalala ko pa ang mga naiisip ko noon, kung papaano ko sya lalapitan, kung papaano ko sya kakausapin at kung papaano ko pipiliting di sya mabagot sa’kin. Ngunit ang lahat ng iyon ay naglaho. Nang dahil sa isang desisyon, ang aking paglipat. Sa mga panahong yon ay para akong nakasilid sa isang kwartong naglalaman ng aking nakaraan, pagka’t ang pag-aaral sa eskwelahang iyon ay matagal ko nang pangarap,ngayon, dahil sa mga taong nakapaligid sa akin noon na ayaw kong mawala at ang kinabukasan,na syang nakasalalay kung ano ang pipiliin ko sa dalawa.

Pero ngayon at nakagawa na ako ng aking desisyon. napag-isipan ko rin na bakit ako magpapatalo sa alaala ng aking nakaraan na wala namang saysay at di makakarulong sa’kin bagkus makadaragdag pa sa aking mga problema. Ngayon naisip ko na ang dapat kong paghandaan ay ang bukas, ang natitira kong pagkakataon para ituwid ang lahat at magsimulang muli.

My Christmas Wish List

Disyembre 27, 2008

Nakalipas na ang Pasko pero di ko pa rin makalimutan ang wish ko. Nakakatuwa mang isipin pero nung nagsimba ako nung araw ng Pasko ay bumili ako ng lobo mula sa nagtitinda sa may harapan ng simbahan. Di ko alam kung anong gagawin ko sa lobo na yun dahil sa sandaling mabitiwan ko eh lilipad na ito ng mataas.

Kaya ito ang aking ginawa. Pinakawalan ko ang lobo at saka ipinikit ang aking mga mata. Inisip ko ang lahat ng mga bagay na nagpapahirap sa ‘kin. Hiniling ko rin na sana ay mas gumanda ang takbo ng aking buhay pag-ibig. Hayun wala pang ilang oras, ilang magagandang balita na ang naiparating sa’kin tulad ng balak naming magkakaibigan na magreunion. So ayun, at least natupad din yung ilan sa mga kahilingan ko.