Mga tula (5)

Disyembre 24, 2008

At last, tapos na rin yung pagpopost ko ng mga tula. Maligayang pasko nga pala sa inyong lahat. Sa mga readers ko syempre as a gift tutuparin ko yung promise ko sa pagpopost ng mga tula ko on or before Christmas.

So, eto na yung pinakahuli kong ginawang tula. Special din ito sa akin kasi ginawa ko itong tula na ito habang nasa school ako nung break time. Wala lang kasi akong magawa nun kaya nakagawa ako ng tula. Ang pinakagusto ko sa lahat ng mga tula ko…

ULAN SA AKING PUSO
Unti-unting binibilang,
Mga patak ng bumubuhos na ulan,
Walang tigil, walang hanggan,
Sa tulad kong nababalot ng kalungkutan,

Naaalala mo pa ba?
Noong araw na muli tayong nagkita,
Batid ko sa iyong mukha na ika’y masaya,
Ngunit sumabay, pagbuhos ng ulan,
Dagliang pinawi, ating nararamdaman,

Sabay sa pagkulog, pagkidlat,
Dumagundong ang langit, saki’y sumambulat,
Sa ‘king pagbalik sa dating tagpuan,
Ika’y wala na, ako’y iniwan,

O ano nga ba ang tunay na dahilan?,
Panahon, oras, distansya lang ba ang sukatan?,
Basta ito lamang iyong pakatatandaan,
Ni kailanma’y di ka kinalimutan, iniwanan,

Ngunit di naman sa pagsusumbat,
Ito lamang sayo’y ipinagtatapat,
Pagka’t alam ko na iyong naiintindihan,
Na sayo’y nangungulila,
Nais na mahagkan,

Sige’t hanggang dito na lang,
Alam kong iyo nang nawawatasan,
At kahit na ilang ulit pa na ako’y masaktan,
Ay di ka iiwanan, ako’y naririto lang,
Wala sa bilang ng taon o milyang distansya, aking hahamakin,
Iyong tandaan, na lagi ika’y iibigin,

Mga Tula (4)

Disyembre 23, 2008

Ika-4 na mula sa 5 kong ipopost. Parang kailan lang, mga plano lang itong pagpopost ng mga tula ko. Sa una, medyo nahihiya pa nga ako kasi baka di magustuhan ng mga readers ko tsaka nakakahiya kasi baka lumabas naman na parang pinagyayabang ko pa itong kakayanan kong gumawa ng tula. Pero naisip ko na blog ko ito at pwede kong ilagay ang kahit na anong magustuhan ko. Tsaka, wala namang masama sa pagpopost ng tula. Iba yung pagiging proud sa pagmamayabang. Kahit naman nakagawa ko ng mga tulang pinupuri ng iba eh sinasabi ko pa rin naman na kahit sila eh kayang gumawa ng tula basta isasapuso lang nila ang paggawa nito. O sya at eto na ang ika-4 kong tula.

U.N. AVENUE
Ilang taon na nga bang nakalipas nang dito’y huling makasakay?,
Matagal na panahong nanatiling lantay,
Yaring tren na sa ki’y nagpapaalala,
Pumapawi sa aking kawalan ng pag-asa,

Ngunit sa pag-andar ng tren, aking puso’y nahihimlay,
Sa mga riles na nagpabago sa aking buhay,
Na minsa’y marahan,
Ngunit madalas ay rumaragasa, malaalong paglalakbay,

Hayan at malapit na akong bumaba,
Sa istasyon kung saan ika’y unang nakilala,
Naaalala ko pa noon ang maririkit mong mga mata,
Na tumatak sa aking isipan, sa aking diwa,

Aking nababanaag, ang panahong lumilipas,
O bakit nga ba muling tinahak muli itong landas,
Bawat istasyon sa ki’y nagpapakita,
Mga masasaya ngunit pawang malulungkot na alaala,

Sabay sa pagtakbo ng tren ako’y umaasa,
Na ika’y masilayan, muli kong makita,
Umaasang sa susunod naa pagsakay ay di na malagpas,
O malihis aking puso sa nais na landas,

At sa pagbaba dito sa istasyon,
Nalungkot pagka’t aking nalaman, ika’y wala na roon,
At sa paghagupit ng hanging napadaan,
Tinangay aking pangarap, ika’y mahagkan,

- Kung sa halaga lang ang pag-uusapan, ito ang pinakaiingatan at may pinakamahalaga sa aking tula. Kasi may “personal touch” talaga itong tula na ito. Before kasi ako pumasok sa PSHS, eh nakaenroll na ako sa Ma Sci, tapos lagi akong sumasakay LRT Line 1. Yung line na “Sa istasyon kung saan ika’y unang nakilala,” di ko kasi madiretso na MaSci yung tinutukoy ko, kaya sinabi ko na lang na sa istasyon. Pero malapit naman kaya ok na rin yun. Bakit ko nasulat itong tula na ito? kasi ngayong na sa PSHS na ako iba na yung way ko kahit galing ako sa Manila sa QC naman punta ko. Ngayong year ko lang naman kasi nakasanayan ang mag-MRT kaya one time nung nagcross ako ng line, after Taft sa MRT sumakay ako sa EDSA(line 1) papuntang UN Avenue, para makita ang MaSci at syempre ang mga kaibigan ko doon lalung-lalo na ang makita ko sya. Pero nalate na ako ng dating at di ko na siya naabutan kaya yung takbo ng tula mula sa masaya, naging palungkot nang palungkot.

Mga Tula (3)

Disyembre 23, 2008

Eto yung ikatlo at sa tingin ko eh pinaka maganda sa lahat ng ginawa kong tula :-) wala nang kokontra! hehe…so simula na malayang panunudtod syempre malayang taludturan to kaya ganun.

ISA PANG PAGKAKATAON
Tik-tak, Tik-tak, Tik-tak,
Ilang minuto, Ilang segundo na lang ang natitira,
Tik-tak, Tik-tak, Tik-tak,
Sandali na lang at matatapos na,
Aking naaalala kung paano nagising kaninang umaga,
Ngayo’y nakaharap sa dapithapon, sa kawalang bumalot sa’king pag-asa,

Tik-tak, Tik-tak, Tik-tak,
Naaalala nang kami’y mga bata pa,
Habang naglalaro sa mga punong santol,
Ilang ulit na nasugatan, nadapa,
Ngunit ngayon ay di ko na namalayang patapos na,
Kamay ng relo’y nagtapat, dumagundong,
Yumayanig na tulad ng malakas na alon,

Tik-tak, Tik-tak, Tik-tak,
Naaalala mo pa ba?
Ang sinabi sa’yo ng tayo’y mga bata pa,
“Pabayaan mo na, Kalimutan mo na,”,
Nais kong iyo’y malaman,
Nais ko lamang sabihin, “Minamahal Kita”,

Tik-tak, Tik-tak, Tik-tak,
Marami pa sana aking nais na sabihin,
Ngunit hanggang dito na lang,
Unti-unting naglalaho aking paningin,
Sabay sa paglaya ng aking diwa, isipan, damdamin,

Tik-tak, Tik-tak, Tik-tak,
Kung maaari lang sana, mga kamay nitong oras ay ibalik,
Ngunit wala nang magagawa, nararapat na tanggapin,
Ang humarap sa Kanluran, mata’y ipikit,
At sa huling pagkakataon, hangi’y lasapin,

-Bale ang kuwento dito kasi ganito yun. Deadline na nito kinabukasan tapos wala pa akong nagagawang tula. Tapos ang dami pang exams at ibang requirements na due din kinabukasan kaya yung tema nito eh tungkol sa kamatayan…naisip ko lang nung mga araw na yun paano kung oras ko na bukas kaya nabuo

Mga Tula (2)

Disyembre 21, 2008

Eto yung ikalawa sa mga ipopost kong mga tula tapos after nito mga tulang malayang taludturan naman. Basahin ninyo lang ng basahin hanggang sa magsawa kayo. HAHAHAHA. Joke lang.

LIGAW LIHAM

Mga letrang sinulat sa isang papel,
Na may kaibang samyo, kulay ay kahel,
Bawat linya, pinag-isipan,
Na sa bawat letra ay may nilalaman,

Kasama sa ligaya, lungkot at dusa,
Mag-isang nagsusulat gamit ang pluma,
Tanging saksi ay yaring papel at tinta,
Sa kanyang tunay at labis na pagsinta,

Tuwing maiisip, kanyang pagkawala,
Labis na pagsisisi sa di nagawa,
Bawat oras na sa kanya’y nagdadaan,
Saan nga ba ang tungo, tila sa kawalan,

Nakalakip ay baong halik at yakap,
Na hiling sa tuwina ‘y kanyang malasap,
Sa pagkumpas ng hangin, pinapadala,
Kasama ang pag-asang sya’y maalala,

-Bale yung kuwento nito eh tungkol sa isang narrator na nagkukuwento ng mga sufferings and at the same time yung mga kasiyahan ng isang taong nagsusulat ng love letter. Kung nakakrelate kayo, mas mafefeel ninyo yung tula, pero mas marami pang mas magaganda na dapat ninyong abangan.

Mga Tula (1)

Disyembre 21, 2008

O eto na yung para sa mga nagrequest ng mga tula ko. Pero for this time, sinisigurado ko na mas magugustuhan ninyo kumpara sa mga pinost kong mga kanta. Tsaka lalagyan ko na rin ng explanation tsaka mga kuwento mula sa pagkabuo hanggang sa kung paano ako naapektuhan ng mga tulang eto. Siguro mga 2 tula muna ngayon; 2 may sukat at tugma tapos yung 3 malayang taludturan next time na pero sisiguraduhin kong matatapos ko before Christimas para gift ko na rin sa mga readers ko.

TINURUAN MO AKONG MAGMAHAL

Kailan nga ba, una tayong magkita,
Sa sobrang tagal di ko na maalala,
Paano mo nga ba nahuli aking mata,
Ako’y nabighani sa taglay mong ganda,

Mula noo’y ikaw ay di na malimot,
Ano ba’t bakit, saya sa aki’y iyong dulot,
‘Kaw na unang nagpangiti sa mga labi,
Ngayo’y hanap sa ‘twina, pala-palagi,

Puso kong puno nga pagkapagal,
Iyong tinuruan kung pa’no magmahal,
Naging inspirasyon, saki’y nagpatatag,
Ngayo’t kailanma’y aking mababanaag,

Batid ko naman, mahal mo’y iba,
Hayaan mo’t di ko na ipipilit pa,
Di na aasang ako’y iyong mahalin,
Sa ‘yong ligaya, ako’y masaya na rin,

- So yung kwento tungkol dito, kasi ganito yun, eto yung una kong tula na pinasa kaya compared sa iba kong mga tula na ipopost ko eh medyo tama lang sya. Tungkol sa pag-ibig yung tema at tungkol din siya sa pagsibol ng isang pag-ibig. Ito yung tipo na umaasa pero nalaman na may mahal nang iba yung minamahal niya kaya pinili na lang ang magparaya.
So yun, una pa lang yan. May 4 pa. Kaya tuloy lang kayo sa pagbasa ng blog ko at Maligayang Pasko sa inyong lahat!!!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.